Ano ang Diyabetis

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang diyabetis ay isang sakit na kung saan ang katawan ay hindi wastong ginagamit ang asukal mula sa mga pagkain. Maaari itong mauwi sa pagkabulag, pagkaputol ng mga paa, ma-koma o kaya'y pagkamatay. Ang Type 1 diabetes ay madalas nagsisimula sa pagkabata. Ang mg taong meron nito ay kakailangan ang gamot na insulin sa kanilang buong buhay. Ang Type 2 diabetes naman ay kadalasang nagsisimula sa edad na lampas sa 40. Karaniwan ito sa mga taong masyadong mataas ang timbang.

Ang isang babae ay maaari ding magkaroon ng diyabetis habang nagbubuntis. Ito ang tinatawag na "gestational diabetes". Kung ikaw ay buntis at laging nauuhaw o kaya ay nababawasan ng timbang, kumunsulta sa isang health worker para masuri ang asukal sa iyong dugo.

Anu-ano ang sintomas ng Diyabetis?

Maagang Sintomas:

  • laging uhaw
  • madalas at marami kung umihi
  • laging pagod
  • laging gutom
  • pagbabawas ng timbang

Sa kalaunan, ang mga mas malalang sintomas:

  • pangangati ng balat
  • may mga oras na lumalabo ang paningin
  • pagmamanhid sa mga kamay o sa mga paa
  • kadalasang impeksiyon sa maselang bahagi ng babae
  • mga sugat sa paa na hindi gumagaling
  • pagkawala ng malay o pagkahimatay (sa mga malalalang kaso)


Lahat ng mga sintomas na ito ay maaring dulot ng iba pang sakit. Upang malaman kung ikaw ay may diyabetis, kumonsulta sa isang health worker, o kaya'y huwag kumain sa loob ng walong oras, at pagkatapos ay pumunta sa isang laboratoryo upang ipasuri ang asukal sa dugo. Kung ang iyong sugar level ay higit sa 125 sa dalawang magkahiwalay na pagsusuri, ikaw ay may diyabetis.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010421