Ano ang magagawa ko kung may kilala akong na-rape

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Sabihin sa kanya na hindi niya ito kasalanan.

Maging matulungin sa kaniya. Makinig sa kanyang nararamdaman, tulungan siyang mag-desisyon sa mga bagay na kailangan niya, at tiyakin sa kaniya na makapagpapatuloy siya sa kanyang buhay.

Igalang ang kaniyang kagustuhang mag-isa o maglihim. Huwag sabihin kahit kaninuman maliban lang kung kagustuhan niya.

Samahan siya sa health worker, sa pulis para isuplong, makipag-usap sa isang taong may pagsasanay makinig at magbigay-suporta sa kaniya, pumunta sa abogado, at sa hukuman kung gusto niyang gawin ang mga bagay na ito.

Huwag protektahan ang nanggahasa kung kakilala mo. Siya ay isang panganib sa bawa't babae sa pamayanan.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020314