Ano ang mga impeksiyon na nakukuha sa pakikipagtalik o STIs

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang mga impeksiyon na nakukuha sa pakikipagtalik o STIs, ay ang mga impeksiyon na naipapasa ng isang tao katalik. Anumang uri ng pakikipagtalik ay maaaring magdulot ng impeksiyon. Maaari ito magmula sa mga ari ng nagtatalik, o mula sa ari papunta sa puwitan, o mula bibig sa ari. Kung minsan, ang impeksiyon o STIs ay nangyayari kahit ikiskis lamang ang mga ari ng ng mga nagtatalik na may impeksiyon. Ito ay maaaring maipasa isang ina sa kaniyang sanggol sa panahon ng pagbubuntis o sa panganganak. Ang impeksiyon ng STIs ay mas malamang na makakuha o makahawa ng HIV.

Kung hindi agad malulunasan, ang mga STIs ay maaaring magdulot ng:

  • pagkabaog sa lalaki o babae.
  • mga sanggol na ipanganak na wala sa kabuwanan, masyadong maliit, bulag, may sakit o kaya ay, patay.
  • pagbubuntis sa labas ng ng matris.
  • kamatayan dahil sa malubhang impeksiyon.
  • walang katapusang pananakit ng puson.
  • kanser sa matris.

Ang maagang paglunas ng impeksiyon o STIs sa magkapareha ay makatutulong sa pagpigil sa paglala ng maraming problema.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010502