Ano ang mga mapanganib na paniniwala tungkol sa kanser

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Kadalasan, ang mga kababaihan ay hindi komukunsulta sa health worker o duktor maliban na lang kung sila may malala nang sakit. Kaya ang mga babaeng nagkaka-kanser ay mas lalala o mamatay kapag hindi naagapan ang kanilang sakit. Minsan, ang mga kababaihan na nagkakaroon ng kanser ay itinuturing din na 'sinumpa' at nilalayuan o iniiwasan ng kanilang mga pamilya o pamayanan. Ang ganitong paghihiwalay o paglayo sa mga kababaihan na may karamdaman ay hindi lamang nakasasama sa mga kababaihan, kudni pati na sa buong pamayanan, dahil hindi naibabahagi ang dapat malaman kung paano nagkakasakit ng kanser ang mga tao.

MAHALAGANG PAALALA: Ang kanser ay hindi isang impeksyon. Ito ay hindi nakakahawa.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011403