Bakit kailangan kong makipag-usap kapag nakakaramdam ako na gusto kong magpapakamatay

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang mga taong nagbabalak magpakamatay, lalo na sa mga kababaihan, ay kadalasang nalulungkot, nag-iisa, depressed at nawalan ng pagasa sa mga oras na iyon. Ayaw nilang makipag-usap kahit kanino, dahil siguro naiisip nilang wala namang makakatulong sa kanila. Maaaring ang dahilan din ay nahihiya na silang makipag-usap kahit kanino tungkol sa kanilang nararamdaman.

Ngunit, ang pakikipag-usap sa isang tao at pagtalakay ng iyong nararamdaman ay makatutulong sa iyo nang malaki. Maghanap ka ng taong makapagbubuhos ka ng iyong damdamin (sa iyong mga kaibigan, pamilya, o kasamahan sa trabaho) o marahil may health worker o religous leader sa inyong pamayanan na maaaring mahingan ng tulong. Maaari ka ring maghanap ng ibang babaeng na pareho ang pinagdadaanan ng tulad mo, at handang makinig at magahagi ang kanilang mga saloobin sa iyo.

Para sa ibang kababaihan, mas madaling makipag-usap sa isang taong walang alam sa kanila o sa kanilang problema (hindi sila masyadong nahihiya gawin ito at nararamdaman nila na makakakuha sila na pantay at walang pinapanigang payo). Sa maraming bansa at rehiyon, mayroong suicide prevention hotline na pwedeng mong tawagan o chatline na iyong makokontak sa pamamagitan ng internet, kung gusto mong makipag-usap sa isang tao na hindi na nagpapakilala at makapagtatago ng lihim. Hindi mo kailangang magbayad sa kanilang serbisyo, at hindi mo rin kailangan magpakilala. Ang mga hotlines na ito ay hindi political at hindi namimili ng relihiyon, at ang mga taong nagtatrabaho doon ay walang balak na ipilit ang kanilang sariling paniniwala at mga panghuhusga sa iyo. Nandoon lang sila para makinig sa iyo.

Maari mong hanapin ang numero ng tulong hotline para sa iyong bansa dito: http://www. befrienders. org/

Ang pakikipag-usap ay makatutulong sa iyo, hindi lamang para kilalanin at maunawaang mabuti ang pinag-ugatan ng mga sanhi ng iyong mga problema, kundi para rin maghanap ng mga posibleng solusyon.

Ang pakikipag-usap lang sa isang taong nagmamalasakit ay makapagpapabago ng lahat. Kahit ang pagpunta sa iyong mga kaibigan at miyembro ng pamilya na nagdudulot ng saya pag kasama ay makapagpapabago nang malaki. Ang ppaghinga ng iyong nararamdaman ay makapagpapaginhawa ng pakiramdam, at baka ito lang ang iyong kailangan para makabalik ka sa iyong tamang pakiramdam.

Sources
  • Felicitas Heyne, Psychologist
  • Audiopedia ID: fil020910