Gaano ako katagal dapat magpasuso ng aking anak

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Makabubuting magpasuso ng matagal kahit isang taon. Sa loob ng unang anim na buwan, bigyan ang inyong sanggol ng walang iba kung hindi gatas mula sa suso ng ina.

Kung ang nagpapasusong ina ay magbuntis maaari siyang magpatuloy na magpasuso. Sapagkat ang pagpapasuso at pagbubuntis ay maraming kinukuhang sustansiya sa katawan (ng isang babae), kailangan niyang kumain ng masustansiyang pagkain.

Ligtas din na magpatuloy magpasuso sa nakatatandang anak kung ang ina ay may bagong sanggol. Dapat lang na unahin ang bagong sanggol sa nakatatandang anak.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010803