Paano ako lubos na masusuportahan ng ama ng aking anak habang ako ay nagbubuntis at sa aking panganganak

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Sa panahon ng pagbubuntis ang mapansin mo na ang ama ng iyong anak at nag aalala para sa iyo ay makakatulong sa iyong damdamin at sa pisikal na aspeto. Kailangan siguraduhin nya na ikaw ay may katulong sa iyong mga trabaho. Kung hindi nya kayang gawin ang ilan sa iyong mga trabaho kailangan kumuha sya ng taong makakatulong sa iyo. Pwede rin nyang siguraduhin na ikaw ay kumakain ng masustansyang pagkain at ikaw ay nagpapatingin sa mangagagamot. Dapat din syang magpatingin at magpasuri para sa mga nakakahawang sakit mula sa pakikipagtalik kasama na ang HIV. Kung mayroon syang HIV kailangan gumamit sya ng condom sa pakikipagtalik.

Makakatulong rin ang ama ng iyong anak sa iyong panganganak sa pamamagitan ng:

  • siguraduhing may sapat na tubig at pagkain sa inyong tahanan.
  • dalhin ang kumadrona o manggagamot sa inyong bahay upang tumulong sa iyong panganganak at siguraduhing may naka handang sasakyan sa oras ng pangangailangan.
  • pag-asikaso sa iba pang anak.

Kung kasama mo sya sa panganganak, mabibigyan ka nya ng suportang emosyonal at pisikal. Maari nyang palakasin ang iyong loob at sabihin sa iyong maayos ang lagay mo. Pwede ka nyang bigyan ng tubig na maiinom, tulungan ka sa paglalakad o himasin ang iyong likod habang humihilab ang iyong tyan.

Ipaalam sa ama ng iyong anak na ang unang 6 na linggo matapos ang panganganak ang pinaka importante oras upang maramdaman ng isang babae na maging malakas at malusog muli. Sa panahong ito kailangan mo ng mga masustansyang pagkain at sapat na pahinga. Pwede ka nyang tulungan na makapag pahinga ng labis kung sya ang gagawa ng iba mong gawain-tulad ng pagkuha ng tubig o kahoy na panggatong, pag-aalaga sa iba ninyong mga anak o paghahanda ng pagkain. Kung hindi sya makatulong, pwede syang maghanap ng ibang taong makakatulong sa iyo. Kung ang ama ng iyong anak ay magbibigay ng oras para kargahin at alagaan ang inyong sanggol, ikaw ay maaring makatulog at mapapalapit sya sa inyong bagong anak.

Dapat malaman nya na mas mainam na huwag munang magtalik hangga't hindi tumitigil ang iyong pagdurugo upang maiwasan ang impeksyon sa matres.

Ang pang huli ngunit mahalaga, para magkaroon ng malusog na mga nanay at mga sanggol, mabuting mag hintay ng dalawang taon sa pagitan ng pagbubuntis. Ang isa sa pinaka mahalagang paraan na matulungan ka ng ama ng iyong anak ay ang paggamit ng pagpaplano ng pamilya. Pag usapan ninyo ang paksang ito kung anong paraan ang mas mainam para sa inyo. Maging responsable kayong parehas sa napiling paraan.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010719