Paano ako makakapag relaks or makapagpahinga

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Pahinga

May mga babaeng banat sa pagtrabaho tulad ng pagluluto ng pagkain, pag-igib ng tubig, at pag-ipon ng panggatong upang maitaguyod ang kanyang pamilya. Kung ang babae ay maroon pang ibang trabaho sa labas ng bahay, doble ang kanyang pasanin. Maaari siyang magtrabaho nang buong araw sa pabrika, opisina o bukid, at umuwi sa tahanan para sa kanyang ikalawang trabaho—ang magkalinga sa pamilya. Sa hirap at daming ng kanyang trabaho, maaaring maubos ang kanyang lakas, makaranas ng malnutrisyon o magkaroon ng sakit dahil wala siyang sapat na panahon para magpahinga, o wala siyang sapat na pagkain na kailangan ng kanyang katawan upang magampanan ang lahat nyang trabaho.

Para mabawasan ang kanyang pasanin, maaaring makibahagi sa trabaho sa bahay ang mga kapamilya niya. Makakatulong din sa kanya o makakagaan ng kanyang trabaho kung may makasabay sya na ibang babae o nakikipag sal-itan sa ibang babae tuwing ginagampanan nya ang kanyang mga gawaing-bahay. May sahod man o wala ang trabaho, malamang ay kailangan niya ng tulong sa pag-aalaga sa mga anak. May mga kababaihan na nag-oorganisa ng grupo o cooperatiba kung saan ang isang myembro ay nagaalaga ng mga anak ng kapwa myembro upang ang huli ay makapag trabaho. Ang kabayaran ay maaaring sa pamagitan ng pera o sal-itan na pag-aalaga ng mga anak ng kapwa myembro.

Mas kailangan ng isang babae ang dagdag na pahinga kung sya ay buntis. Sa ganitong pagkakataon, kailangan nyang ipaliwanag sa kanyang kapamilya kung bakit nya kailangan ang karagdagang pahinga at humingi na rin ng tulong sa kanyang mga gawaing-bahay.

Pag-exercise

Karamihan ng babae ay nakakakuha na ng maraming exercise sa araw-araw na pagtrabaho. Pero kung hindi masyadong gumagalaw ang babae sa kanyang trabaho— halimbawa, kung nakaupo o nakatayo siya nang buong araw sa pabrika o opisina—dapat niyang sikaping maglakad at magbanat-banat araw-araw. Sa ganitong paraan, makakasiguro na ang kanyang puso, baga at mga buto ay nasa magandang kalagayan. Ang babaeng parating nakaupo o nakatindig habang nagtratrabaho ay maaaring magkaroon ng problema sa kanyang kalusugan. Nararamdaman lamang ang ganitong mga problema matapos ang mahabang panahon. Subali't ang mga problemang ito ay maaaring maiwasan.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010203