Paano ako makakasiguro na meron akong sapat na gatas at ang gatas ko ay mabuti

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Karamihan sa mga babae ay iniisip na wala silang sapat na gatas. Ito ay kadalasang hindi totoo. Kahit ang mga nanay na walang sapat na pagkain ay karaniwang nagkakaroon ng sapat na gatas para sa kanilang anak.

Ang dami ng gatas na makukuha sa suso ng ina ay depende sa kung gaano kadalas sumuso ang bata. Mas madalas sumuso ang bata mas maraming gatas kang magagawa. Kung lalaktawan mo ang pagpapasuso at bibigyan ng bote sa halip na gatas ng ina, ang iyong katawan ay gagawa ng konting gatas.

May mga araw na parang madalas gustong sumuso ng bata. Kung papasusuhin mo ang iyong anak kahit kailan sya magutom, dadami ang iyong gatas. Sa loob ng ilang araw magmumukang kontento na ulit ang iyong sanggol. ang pagpapasuso sa gabi ay nakakatulong sa pagbuo ng gatas ng Ina. Subukang huwag maniwala kanino man kahit na sa mga manggagamot na nagsasabing ikaw ay walang sapat na gatas.

Hindi kailangang maramdamang puno ang iyong suso para makagawa ng gatas. Habang mas madalas na ang Ina ay nagpapasuso mas magaan ang pakiramdam sa kanyang suso. Ang maliit na suso ay makakagawa ng katulad na dami ng gatas kagaya ng sa malaking suso.

Ang bata ay nakakakuha ng sapat na gatas kung:

  • Maganda ang kanyang paglaki at muka siya'y masaya at malusog.
  • Siya ay umiihi ng 6 o higit pang beses at dumudumi ng 1 hanggang 3 beses sa isang araw o gabi. Ito ay matutukoy kapag ang isang bata ay 5 araw na ang edad, kapag ang bata ay mag umpisa ng umihi o tumae ng regular. Ang batang 2 linggo ang edad ay pwedeng hindi tumae ng araw araw. Kapag ang bata ay napapasuso ng mabuti, umiihi at parang kuntento, ang tae ay lalabas.

Sapagkat ang gatas ng ina ay mukang kaiba sa ibang mga gatas, ang ibang mga babae ay natatakot na hindi ito mabuting gatas. Subalit ang gatas ng Ina ay nagbibigay ng lahat ng kailangan ng sanggol.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010809