Paano ako makikipag-usap sa aking asawa o kapareha tungkol sa pagpaplano ng pamilya

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Makabubuti kung mapag-uusapan ninyong mag-asawa o kapareha ang pagpaplano ng pamilya at kung anong pamamaraan ang gagamitin.

Ang ibang lalaki ay hindi payag na ang kanilang mga asawa ay mag-family planning dahil hindi nila naiintindihan kung ano ang nagagawa ng mga ito. Maaaring mag-alala ang lalaki sa kalusugan ng kanyang asawa, , dahil sa mga naririnig niyang kuwento tungkol sa panganib na maidudulot nito. Pwede ring siya ay nangangamba na kapag ang babae ay gumagamit ng family planning, baka makipagtalik sa ibang lalaki. O pwede rin niyang isipin na mas macho kapag marami ang anak.

Subukang ibahagi ang mga impromasyon sa kabanatang ito sa iyong kapareha. Makakatulong ito upang maintindihan niya na:

  • ang family planning ay magiging daan upang mas mapangalagaan ka niya at ang inyong mga anak.
  • ang paglalagay ng pagitan sa panganganak ay mas ligtas para sa iyo at sa inyong mga anak.
  • ang family planning ay mas makapagpapasaya ng inyong pagtatalik dahil hindi mag-aalala sa hindi nakaplanong pagbubuntis. Ang pagiging protektado sa hindi planadong pagbubuntis ay hindi nangangahulugang gustong makipagtalik sa ibang lalaki.

Kung ayaw pa rin ng iyong asawa gumamit ng family planning kahit naintindihan na lahat ng pakinabang nito, kailangan mo pa ring mag-desisyon kung anong paraan ang iyong gagamitin. Kung makapag-desisyon, piliin ang paraang maaaring gamitin ng hindi niya nalalaman.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020406