Paano ako pipili ng tamang pagkain

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

May pagkakataong ang pagkain ay sira na bago pa ito mailuto o maitago. Narito ang ilang mga bagay na dapat hanapin sa pagpili ng pagkain.

Ang sariwang (hilaw na) pagkain ay dapat:

  • sariwa at napapanahon.
  • buo, walang pasa, sira at hindi nakain ng insekto.
  • malinis (hindi marumi).
  • amoy sariwa (lalo na ang isda, tulya at karne na wala dapat mabaho o masangsang na amoy).

Ang mga pagkaing prinoseso (luto o binalot) ay kinakailangang ilagay sa:

  • bagong lata (walang kalawang, walang tambok at walang kupi).
  • garapong may malinis na takip.
  • mga boteng walang basag.
  • mga pakete o balutan na buo, walang punit.

Ang mga isdang may mabahong amoy at mga latang maambok ay palatandaan na ang pagkain ay sira o panis na.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010123