Paano akong magsasanay mag exercise ng kalamanan muscle na aking ari or puerta vagina

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Itong ensayong ito ay makakatulong palakasin ang mahinang kalamnan ng ari na nagiging sanhi ng madalas na pag ihi o pag tagas ng ihi. Una, mag ensayo habang ikaw ay umiihi. Habang dumadaloy ang ihi, dahan dahan itong pigilan sa pamamagitan ng pag pigil ng kalamnan sa inyong pwerta.

Bumilang ng sampu, ipahinga ang kalamnan at hayaang lumabas ang ihi. Gawin ito ng maraming beses tuwing ikaw ay iihi. Kapag marunong ka na, magsanay ng pagpipigil kahit anong oras sa loob ng maghapon. Wala namang makaka alam. Sikaping mag ensayo kahit apat na beses sa isang araw, pigilin ang kalamnan lima hanggang sampung beses kada ensayo.

May mga babaeng nangangailangan ng operasyon para tulungang mapigil ang pagtagas ng ihi. Kapag madalas kang matagasan ng ihi at hindi nakatutulong ang pag-e-ensayo ng pagpipigil sa kalamanan ng pwerta, humingi ng payo sa mga mangagamot. Ang ensayo sa pagpipigil sa kalamanan ng pwerta ay mabuti sa lahat ng babae na gawing araw-araw. Ito ay nakakatulong na palakasin ang kalamnan sa pwerta at mapipigilan ang mga kalaunang problema sa buhay.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010706