Paano akong mananatiling malusog habang buntis

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Kung aalagaan mong mabuti ang iyong sarili habang ikaw ay buntis, malamang na ikaw ay magkakaroon ng ligtas na pagbubuntis o panganganak at malusog na sanggol.

Subukan kumain ng sapat at masusustansyang mga pagkain. Ang mabuting nutrisyon ay nagbibigay ng lakas, pinipigilan ang impeksyon, nagagawang malusog ang sanggol, at tumutulong para mapigilan ang labis na pagdurugo habang nanganganak. Alalahanin mong pinapakain mong parehas ang iyong sarili at ang iyong sanggol. Gumamit ng asin na may iodine upang ang iyong sanggol ay hindi magkaroon ng mabagal na pag iisip.

Matulog at magpahingang mabuti. Kung ika'y nagtatrabaho ng nakatayo, subukang umupo at humiga ng maraming beses sa maghapon. Gawin ang pang araw-araw na trabaho, pero magpahinga kapag may pagkakataon.

Palaging magpasuri sa manggagamot habang ikaw ay buntis para masigurong walang anumang problema, at para makita agad ang ano mang problema bago pa ito lumala. Kung hindi kapa nagkaroon ng bakuna para sa tetano, magpalagay magpabakuna ka na habang maaga. Dapat makapagpalagay ka ng di bababa sa dalawang dosis bago ka manganak.

Magbasa tungkol sa palatandaan ng panganib habang nagbubuntis para alam mo kung kailan ka mahalagang makipagkita sa manggagamot.

Manatiling malinis. Maligo o maghugas at magsipilyo araw-araw.

Magsanay ng ehersisyong pagpiga para maging matibay ang pwerta pagkatapos manganak.

Pilitin makapag ehersisyo araw-araw. Kung ikaw ay naka upo sa trabaho, subukan maglakad paunti-unti araw-araw. Pero huwag pagurin ang sarili.

Magpagamot kung iniisip mong meron kang nakakahawang sakit galing sa pakikipagtalik (STD) o iba pang impeksyon.

Magpasuri para sa HIV. Pigilan ang impeksyong HIV habang buntis sa pamamagitan ng paggamit ng mga condom kung nakikipagtalik.

Iwasan ang pag-inom ng mga makabago o halamang gamot, maliban na lamang kung alam ng manggagamot na ikaw ay buntis at sabihing ito ay ligtas.

Huwag uminom ng alak o manigarilyo habang nagbubuntis. Ito ay masama sa ina at maka-pipinsala sa pagkabuo ng sanggol.

Kung merong malarya sa inyong lugar, matulog sa loob ng kulambo para maiwasang makagat ng lamok.

Iwasan ang lason sa insekto, lason sa halaman o mga delikadong kemikal. Sila'y nakakapinsala sa lumalaking sanggol. Huwag hawakan o magtrabaho malapit dito o langhapin ang mga amoy at usok na galing dito. Huwag kailanman gawing lalagyan ng pagkain o inumin ang mga bakanteng lalagyan ng mga lason at delikadong kemikal.

Lumayo sa batang may mga pantal sa kanyang buong katawan. Maaaring iyon ay sanhi ng tigdas, na makakapinsala sa sanggol.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010705