Paano ang tamang paghahanda ng pagkain para sa mga bata

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Kailangan nang masusing paghahanda sa pagkain ng mga sanggol at ng maliliit na mga bata. Ang kanilang pagkain ay kailangan laging bagong luto, pinakakaiin agad, at hindi iniiwang magtagal.

Ang pagpapasuso ay pinakaligtas na (at pinaka masustansiya) gatas para sa mga sanggol at mga batang malilit. Ang gatas mula sa ina ay maaring itago sa karaniwang temperatura hanggang sa walong oras, gamit ang malinis at may takip na lalagyan. Kung ang ibang bata ay pinaiinom ng gatas mula sa hayop, ito ay kailangang bagong napakuluan o pasteurized (isang espesyal na paraan ng pag-iinit ng gatas upang mapatay ang masamang bakterya).

Ang hilaw o tirang pagkain ay maaaring makasama. Ang hilaw na pagkain ay kailangan hugasan o lutuin. Ang lutong pagkain ay kailangan kainin agad o kailang initin bago kainin.

Lahat ng manok at pagkaing galing dito, ay kailangang lutuing mabuti para maiwasan ang pagkalat ng avian influenza (bird flu).

Ang prutas at gulay ay kailangang blata o hugasang mabuti sa malinis na tubig, lalo na kung ito ay kakaining hilaw ng mga bata. Ang prutas at gulay ay kadalasan nilalagyan ng mga kemikal, tulad ng pamatay ng insekto at pampataba ng halaman na maaaring makasama.

Ang mga kamay ay dapat hinhugasan sa sabon at tubig pagkatapos humawak ng hilaw na pagkain. Ang hilaw na pagkain, lalo na ang manok at pagkaing-dagat, ay madalas may mikrobyo. Ang lutong pagkain ay nakakakuha ng mikrobyo kapag nalapit sa hilaw na pagkain, at ang mga mikrobyong ito ay maaaring dumami sa lutong pagkain sa loob ng ilang oras. Ang hilaw at lutong pagkain ay dapat magkahiwalay. Ang mga kutsilyo, sangkalan at mga ibabaw ay dapat nililinis ng sabon at tubig pagkatapos ihanda ang mga hilaw na pagkain.

Sources