Paano ba nagbabago ang aking katawan habang nagdadalaga

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Lahat ng babae ay dumaraan sa mga pagababago sa kanilang mga katawan ngunit ang mga pagbabagong ito ay iba-iba sa bawat babae. Kaya huwag mag-alala kung ang iyong katawan ay hindi pareho sa iyong kapatid o kaibigan.

Ang Paglaki Ang iyong unang pagbabago ay maaaring ikaw ay mabilis na lumalaki. Maaaring Ikaw ay pansamantalang magiging mas matangkad sa lahat ng mga lalaki na iyong ka-edad. Ikaw ay kadalasang hihinto sa paglaki 1 o 3 taon pagkatapos na magkaroon.

Pagbabago ng Katawan Bukod sa mabilis na paglaki, ang iyong katawan ay magsisimulang magbago. Mayroong mga natural na kemikal sa loob ng katawan na tinatawag na hormones na nagsasabi sa iyong katawan na lumaki at simulan ang g mga pagbabagong ito.

  • Ikaw ay tatangkad at magiging mas bilugan.
  • Ang iyong mukha ay magiging malangis at may mga tigyawat o batik na maaaring tumubo.
  • Ikaw ay mas magpapawis.
  • May buhok na ay tutubo sa iyong kili-kili at sa iyong ari.
  • Lalaki na ang iyong dibdib para paghandaan ang kalalagyan ng gatas. Habang mga ito ay lumalaki, natural na minsang mananakit ang mga utong. Ang isang dibdib ay maaaring mauna sa paglaki kaysa isa, nguni't ang mas maliit ay madalas na nakakahabol.
  • Mayroon ng basang lumalabas sa ari.
  • Nagsisimula ng magkaroon.

Sa loob ng iyong katawan May mga pagbabago na hindi mo nakikita. Ang matris (utersu), tubes, obaryo, at pag-aari ay lumalakai at nagpapalit ng posisyon.

Ang iyong nararamdaman Habang dumaraan ka sa mga pagbabagong ito, mas nakikilala mo ang iyong katawan. Maaari ring magkaroon na ng interes sa lalaki, at sa iyong mga kaibigan. May mga panahong ang iyong pakiramdam ay mahirap kontrolin. Sa mga araw bago datnan, mas karaniwan ang magkaroon ng malakas na iba't-ibang pakiramdam --- masaya, galit, at nag-aalala, halimbawa.

Ang buwanan pagdurugo (period, menstruation) Ang buwanang pagkakaroon ay palatandaan na ikaw ay maaaring nang mabuntis. Walang babae ang nakakaalam kung kailang siya unang magkakaroon. Karaniwang nangyayari ito kapag ang kaniyang dibdib at ang mga buhok sa kaniyang katawan ay nagsisimula ng tumubo. Ilang buwan bago siya datnan, mapapansin niyang may pagkabasa na lumalabas sa kaniya. Maaaring mamantsahan ang kaniyang panty. Ito ay normal.

Ang ibang babaae ay masaya sa unang beses na pagkakaroon, lalo na kung alam nila ang dapat asahan. Ang mga babaeng hindi napagsabihan ay mag-aalala kapag nagkaroon na ng unang beses. Ito ay nangyayari sa lahat, at maaaring masayang tatanggapin, at minsan ay ipinagmamalaki pa. Huwag maniwala kung may magsabi man na ito ay marumi o nakakahiya.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020803