Paano gamitin ang counting days method

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Upang ang paraan na ito ay maging epektibo, hindi ka maaaring makipagtalik matapos ang ika-walohanggang sa ika-labing siyam na araw ng siklo ng iyong regla. Kung ikaw ay makikipagtalik sa panahon na ito, dapat kang gumamit ng ibang pamamaraan ng pagplano ng pamilya.

Maari kang gumamit ng beads, isang tsart, o ibang instrumento upang makatulong sa pagpapaalala ng mga panahong malaki ang posibilidad na ikaw ay magbuntis. Maaaring gumawa ng kwintas gamit ang tatlonpu't dalawang beads na may tatlong magkakaibang kulay. Bawat kulay ay kumakatawan sa ibat' ibang parte ng iyong siklo:

  • Ang isang (1) pulang bead ay magmamarka sa unang araw ng iyong pagdurugo o regla.
  • Anim (6) na asul na beads ang kailangan upang markahan ang mga araw na may maliit na pagkakataon na ikaw ay magbuntis kung ikaw ay makipagtalik.
  • Labindalawang (12) puting beads ang magmamarka sa mga araw na mataas ang posibilidad na ikaw ay magbuntis kung ikaw may makikipagtalik.
  • Karagdagang labintatlong (13) asul na beads ang kailangan upang markahan ang mga araw na may maliit na pagkakataon na ikaw ay magbuntis kung ikaw ay makipagtalik.

Sa unang araw ng iyong pagdurugo o regla, palibutan o paikutan ng isang singsing o tali ang pulang bead. Ilipat ang singsing o tali sa bawat bead malipas ang bawat araw. Kapag ang singsing o tali ay nasa anuman sa labindalawang (12) puting bead, maaari kang magbuntis kung ikaw ay makipagtalik. Ssa bawat umpisa ng iyong buwanang dalaw o regla, ibalik ang singsing o tali sa pulang bead sa simula.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020512