Paano ko aalagaan ang aking sarili sa panahon ng aking buwanang dalaw

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Maraming kababaihan ang pinipiling gumamit ng tinuping mga tela upang maging sapin para sa umaagos na dugo mula sa ari ng babae. Inilalagay ito sa panty at pinanatili ito rito sa pamamagitan ng isang sinturon o pardible. Ang pads o sapin ay kinakailangan palitan maraming beses isang araw, Ang pads ay kinakailangan linisin, sabuning mabuti at hugasan kung gagamitimg muli. Ang iba namang babae ay pinipiling bumili at maglagay ng tampons sa loob ng kanilang ari.

Ang tampons ay kailangang alisin at palitan ng dalawang beses isang araw. Ang paggamit nito ng matagal ay maaring makalikha ng impeksyon. Hugasan ang ari gamit ang isang malambot na sabon upang maalis ang anumang dugong naiwan. Makabubuti rin na maligo tuwing magkakaoon ng buwanang dalaw. Maaring ipagpatuloy ang lahat ng regular na gawain. Ang pag-eehersisyo ay makakabaws sa sakit na nararamdaman ng isang babe sa tuwing mayroon siyang buwanang dalaw.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010114