Paano ko itatapon ang basura sa tamang paraan

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Kung walang pangkalahatang pagkuha ng basura, bawat pamilya ay kailangan magkaroon ng malalim na hukay na maaaring pagtapunan ng basura araw-araw.

Hangga't maaari, ibaon, o gawing pang-abono ang basura. Kung ibabaon ito, siguraduhing tama ang lalim upang di ito maabot ng mga hayop o insetkto.

Kung ang inyong basurahan ay nasa ibabaw ng lupa, bakuran ang tambak, takpan ang basura ng lupa upang hindi ito dapuan ng langaw.

Gamitin ang binulok na mga tirang pagkain bilang pataba sa mga pananim.

Kung maari, humanap ng ligtas na paraan para itapon ang nakalalasong mga bagay. Halimbawa, huwag sunugin ang plastic, dahil ang usok nito ay maaring makasama, lalo na sa mga bata, matatanda at sa mga maysakit.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010109