Paano ko kakausapin ang aking karelasyon tungkol sa mas ligtas na pakikipagtalik

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Kung sa palagay mo ay sasang-ana kayo ay gumamit ng proteksiyon para ligtas ang inyong pagtatalik, subukang pag-usapan ang mga panganib sa kalusugan ng STIs. Hindi ito laging madali! Karamihan sa mga kababaihan ay tinuruan na hindi tama na pag-usapan ang sex--- lalo na sa kanilang mga karelasyon o sa ibang mga lalaki --- kaya sila ay hindi sanay. Ang lalaki ay maaaring makipag-usap sa ibang lalaki tungkol sa sex, nguni't madalas na naiilang makipag-usapan tungkol dito sa kaniyang ka-relasyon. Narito ang ilang mga mungkahi:

  • Pagtuunan ng pansin ang kaligtasan. Kapag nakipag-usap tungkol sa mas ligtas na pakikipagtalik, maaaring sabihin ng iyong ka-relasyon na wala kang tiwala sa kanya. Ngunit ang pinag-uusapan ay kaligtasan, hindi tiwala. Dahilsa ang tao ay maaaring mayroong STI nang hindi niya nalalaman, o maaaring makakuha ng HIV mula sa isang bagay maliban sa sex, mahirap makasiguro kung siya ay nahawahan o hindi. Ang mas ligtas na pakikipagtalik ay mabuti sa magka-relasyon kahit na sila ay walang ibang katalik.
  • Subukan munang makipag-usap sa isang kaibigan. Sabihin sa kaibigan na kunwari siya ang iyong karelasyon at ipraktis ang gustong sabihin. Isipin ang iba't-ibang bagay na maaari niyang sabihin at ihanda ang sarili sa bawat posibilidad. Isiping maari rin siyang kabahan sa pakikipag-usap, kaya't subukang ipanatag ang kaniyang kalooban.
  • Huwag hintayin ang oras kung kailan magtatalik bago makipag-usap. Pumili ng oras na parehong magaan ang pakiramdam ninyo. Kung kayo ay tumigil na sa pagtatalik dahil may bago kayong anak, o kaya ay ginagamot dahil sa STI, subukan na mag-usap bago muling magtalik. Kung ikaw at ang iyong ka-relasyon ay magkahiway o kailangang madalas bumiyahe, mag-usap bago maghiwalay, tungkol sa kaligtasan kalusugang sekswal.
  • Palawakin ang kaalaman tungkol sa mga panganib ng pakikipagtalik, at kung paano magiging ligtas na pakikipagtalik. Kung ang iyong ka-relasyon ay wala masyadong alam sa mga STIs, at kung paano ito naikakalat, at ang pangmatagalang epekto sa kalusugan ng mga ito, maaaring hindi niya naintindihan ang mga panganib hindi ligtas na pakikipagtalik. Ang impormasyon ay makatutulong na kumbinsihin siya na kailangang ligtas ang pakikipagtalik.
  • Gawing halimbawa ang ibang tao ("Sinabi sa akin ng kuya ko na gumagamit na siya lagi ng condom ngayon. ") Minsan, kapag nalaman niyang ginagawa ng ibang tao ang mas ligtas na pakikipagtalik, maaring maimpluwensiyahan siya na gawin din ito.
Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010511