Paano ko maiiwasan ang mga problema sa kaisipan sa pagpapalakas sa aking kakayahang labanan ang mga ito

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang mga kababaihan ay hindi madalas naglalaan ng panahon para sa kanilang sarili kapag sila ay abala sa araw-araw na gawain. Ngun't ang bawat babae ay kailangang ipasantabi ang kaniyang mga problema at minsang gawin ang nais niya. Mga simpleng bagay na maaaring hindi gawin nang madalas - ulad ng panahong mag-isa, o mamili, maghalaman, o magluto kasama ang isang kaibigan - ay makatutulong.

Mga gawain upang mailabas ang iyong mga nararamdaman: Kung galit ka, gumawa ng ilang mabigat na pisikal na gawain. Ang pagsulat ng mga tula, awit, at kuwento ay makatutulong kapag nahihirapang ipahayag ang ilang bagay sa ibang tao. O maaari mong iguhit ang iyong mga saloobin nang hindi gumagamit ng mga salita—hindi mo kailangang maging isang pintor.

Paglikha ng kaaya-ayang kapaligiran: Subukang ayusin ang lugar na iyong tinitirhan nang sa gayon ay maging tama iyon sa iyong nararamdaman. Kahit na gaano pa kaliit iyon, makadarama ka ng higit na kaayusan at kontrol kapag isinaayos ito sa paraang gusto mo. Subukang gawing maliwanag at may sariwang hangin hanggang maaari. Paligiran ang sarili ng mga bagay na magaganda. Maaaring maglagay ng mga bulaklak sa silid, magpatugtog ng musika, o pumunta kung saan mayroong magandang tanawin.

Magsagawa ng mga tradisyong makapagpapatatag ng kalooban: Maraming pamayanan ang may mga kaugaliang nakatutulong pakalmahin ang katawan at isip, pati ang pagbuo ng panloob na katibayan. Halimbawa: yoga, dasal, meditasyon o T'ai Chi. Ang regular na pagsasagawa ng mga tradisyong ito ay maaaring makatulong sa isang tao na mas kayanin ang stress at iba pang kahirapan sa kanyang buhay.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011512