Paano ko maiiwasan ang mga problema sa kalusugan

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Marami sa mga problemang pangkalusugan ay maaaring maiiwasan (pigilin bago magsimula) sa pamamagitan ng mas mahusay na nutrisyon, kalinisan, sapat na pahinga at pagsagot sa mga pangunahing pangangailangang pangkalusugan ng kababaihan. Kaya sa kabanatang ito, ilalarawan namin ang ilang mga bagay na magagawa ng babae, pamilya, at komunidad para maiwasan ang mga sakit.

Hindi palaging madali para sa babae na umiwas sa sakit. Kahit marami silang ginagawa para manatiling malusog ang pamilya at komunidad, maraming babae ang hirap maghanap ng oras, lakas, at pera para asikasuhin ang sariling pangangailangan sa kalusugan. Dahil madalas tinuturuan ang babae na unahin ang iba, kaunti na lamang ang natitira nilang oras para sa sarili matapos asikasuhin ang pamilya. Malimit din na ang limitadong panggastos ng pamilya ay nailalaan muna sa mga anak at asawa.

Pero sa katagalan, maiiwasan ang malaking hirap at hapit kung maiiwasan ang mga problemang pangkalusugan bago pa ito magsimula, sa halip na gamutin kapag nariyan na. Hindi kailangan ng malaking panahon o pera ang ilan sa mga ito. Ang iba nama’y nangangailangan lang ng dagdag na panahon, pagsisikap at pera—kahit sa simula lang. Pero sa pag-iwas sa sakit, nabubuo ang kalusugan at lakas ng babae, pamilya niya at komunidad, kaya gaganda at luluwag ang buhay sa hinaharap.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010202