Paano ko maiiwasan ang pag-igsi ng mga kalamnan at panatiliing malakas ang mga ito

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Para maiwasan ang pag-igsi, paninigas ng kalamnan, kailangang may makatulong sa pag-ehersisyo ng mga braso at binti araw-araw. Kailangang gumagalaw ang lahat ng parte ng katawan. Kung nagkaroon na ng kondisyon ng pananakit, paninigas o pag-igsi ng mga laman o kasu-kasuan sa matagal na panahon, mahirap maideretso ang mga kasu-kasuan o mga litid. Nguni't ang pag ehersisyo ay makapipigil sa paglala ng sitwasyon, at makapipigil sa tuluyang paninigas ng mga laman. Makatutulong ito sa pagpapalakas ng mga kalamnan.

MAHALAGANG TANDAAN: Kapag ang mga kasu-kasuan ay matagal ng nakabaluktot, dahan-dahanin. Huwag piliting ideretso.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011109