Paano ko maiiwasan ang pagkabaog

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Huwag mag-alala kung hindi agad mabuntis: Maraming mga mag-asawa ang nagbubuntis sa loob ng isang taon kung patuloy silang magtatalik sa mga panahong ang babae ay maaring mabuntis. Iwasan ang hangin, pagkain o tubig na nalagyan ng pesticides o nakalalasong mga kemikal na ginagamit sa mga pabrika at sakahan: ang mga pesticides at ibang delikadong kemikal ay nakapipinsala ng mga semilya ng lalaki habang siya ay nagtatrabaho, at kung lalabhan ng babae ang kaniyang mga damit, ang mga kemikal ay mapapasa sa kaniya.

Iwasang manabako o ngumuya nito, o uminom ng alak o kape: Ang mga babaeng nananabako o ngumunguya nito, o umiinom ng maraming alak o kape ay matatagalang magbuntis o malamang magkaroon ng madalas na pagkalaglag ng batang dinadala. Ang mga lalaking naninigarilyo o umiinom ng maraming alak o kape ay kakaunti lamang ang nagagawang semilya, at madala na ang mga ito ay hindi buo o mahina.

Iwasan ang matataas na temperatura: Ang semilya ng lalaki ay kailangang manatiling malamig. Ito ang dahilang kung bakit ang mga mga bayag ay nakabitin sa scrotum sa labas ng katawan ng lalaki. Kapag ang mga bayag ay masyadong nainitan, tumitigil sila sa paggawa ng semilya. Ito ay maaaring mangyari kapag ang lalaki ay nagsuot ng masikip na pantalon na nagdidikit ng kaniyang mga bayag sa kaniyang katawan, o kapag siya ay naligo sa mainit na tubig, o nagtatrabaho ng malapit sa maiinit na bagay tulad ng pakuluan, pugon, o sa mainit na makina ng truck na pangmahabang biyahe, lalo na kung nagmamaneho ng maraming oras na walang pahinga. Kapag lumamig na ulit ang mga bayag, nagsisimula ulit silang gumawa ng semilya.

Huwag gumamit ng mga gamot: Ang ilang mga gamot ay nakakaapekto sa pagbubuntis. Makabubuti para sa mag-asawang nagsusubok magkaanak na huwag munang gumamit ng anumang gamot. Kung kinakailangang maggamot dahil sa sakit, kumausap ng isang health worker at sabihing kayo ay nagsusubok na magka-anak.

Subukang magtalik sa iyong fertile time: Bagama't ang lalaki ay gumagawa ng isang milyong semilya araw-araw, ang malusog na babae ay naglalabas lamang ng isang itlog sa isang buwan. Ito ang tinatawag na fertile time ----ang natatanging panahon sa loob ng isang buwan na maaari siyang mabuntis. Para sa nakararaming babae, ang kanilang fertile time ay nagsisimula 10 araw pagkatapos ng unang araw na magkaroon, at tumatagal ng 6 na araw. Ang katawan ay maraming palatandaan na nagsasabing ikaw ay nasa fertile time. Ang pinakamadaling palatandaan ay ang pagbabago sa lumalabas sa iyong maselang bahagi.

Kapag nagtatalik: Ang pinakamabuting posisyon para makapasok ang semilya na malapit sa matris ay:

  • ang paghiga na nasa ibabaw ang lalaki.
  • tumagilid. Pagkatapos makipagtalik, humiga na diretso ang likod ng mga 20 minuto. Makatutulong ito para lumangoy ang semilya papunta sa iyong matris para hanapin ang itlog.

Huwag gumamit ng langis o cream sa pagtatalik: Maaari nitong patayin ang semilya o pigilan itong makarating sa itlog.

Huwag mag-dutsa o maghugas ng ari: Ang pag-dutsa bago o pagkatapos magtalik ay magpapabago ng basa sa loob ng ari, na nagpapahirap sa semilya para manatiling buhay.

Gamuting ang anumang problema sa kalusugan: Ikaw at ang iyong kapareha ay dapat nagpapasuri ng kalusugan at kailangang gamuting ang STIs, at ibang sakit. Kung ang isa sa inyo ay may STi, pareho kayo dapat gamutin. Dapat tapusin lahat ng gamot na inireseta.

Kumain nang mabuti at ng pagkaing pampalusog: Kung ikaw ay hindi dinadatna at napakapayat o napakataba, subukang magdagdag o magbawas ng timbang.

Iwasang manabako o ngumuya ng tabako, gumamit ng droga o uminom ng alak.

Iwasan ang mga inuming may caffeine tulad ng, kape, itim na tiyaa, at cola.

Magpahinga at mag-ehersisyo.

Kumunsulta sa health worker kung hindi nabuntis sa isang taon: Mayroong mga panuri na hindi kamahalan na makapagsasabi kung ano ang problema. Halimbawa, ang health worker ay maaaring tingnan ang semilya ng iyong asawa sa microscope para malaman kung ang mga ito ay malusog. Maaari ka niya gawan ng pelvic exam para makita ang iyong ari, matris at tubo, kung may impeksiyon o tumutubo. O turuan ka niyang alamin kung naglalabas ng itlog ang iyong obaryo sa pagkuha ng iyong temperatura tuwing umaga. Mahalagang maintindihan na ang mga pagsusuring ito ay sasabihin lamang kung ano ang problema---hindi nila lulutasin. Kahit na ang mga napakamahal na gamot o operasyon ay hindi makakagmot ng pagkabaog.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011205