Paano ko maiiwasan ang pagkalat ng mikrobyo sa pagkain

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Hugasan ang iyong mga kamay sa sabon at tubig bago maghanda ng pagkain, bago kumain, at bago magpakain ng mga bata. Ang paghuhugas ng mga kamay ay nakappigil sa pagkalat ng sakit. Maglaan ng pamunas ng kamay. Labhan ito palagi at ibilad sa araw. O kaya'y pagpagin ang mga kamay para mataggal ang tubig.

Hugasan at balatan ang mga prutas at gulay na kinakain nang hilaw.

Huwag pabayaan na magkahalo ang hilaw na karne, manok o isda sa ibang pagkain na kinakain nang hilaw. Laging hugasan ang mga kamay, kutsilyo, at sangkalan, pagkatapos hiwain ang mga karne.

Iwasan ang pag-ubo, pagdura at pagtapon ng mga nginuguyang pagkain tulad ng bubble gum, o nga-nga malapit sa pagkain upang ang iyong laway ay hindi humalo sa pagkain.

Huwag padilaan sa mga hayop ang mga plato o kagamitan sa pagkain. Hangga't maaari ay huwag papasukin ang mga hayop sa kusina.

Itapon ang pagkaing nasira na. 
Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010120