Paano ko maiiwasan ang pagsusuka

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Bagama't ito ay madalas na tinatawag na 'morning sickness', maaring makaramdam ng pasusuka kahit anong oras o kahit buong araw, kapag bunti. Ito ay karaniwang nawawala kapag nasa ikatlo o apat na buwan ng pagbubuntis.

Ang dapat gawin para ito ay maiwasan:

  • Uminom ng isang tasang salabat o ng tsaang cinnamon 2 o 3 beses sa isang araw bago kumain.
  • Kumain nang paunti-unti, at iwasan ang mga mamantika at mga mahirap tunawing pagkain.
  • Sumipsip ng kalamansi.
  • Magtanong sa mga kumadrona sa inyong lugar kung ano mabuting gamot na halaman ang maaring gamitin.
  • Para makatulong sa 'morning sickness' subukang kumain ng biskwit, tinapay, o konting kanin o lugaw pagkagising sa umaga.

MAHALAGANG TANDAAN: Pumunta sa manggagamot kung ikaw ay labis na nagsusuka at hindi makakain ng kahit anong pagkain, o nababawasan na ang iyong timbang. Bantayan rin ang senyales ng labis na pagkawala ng tubig sa katawan: pagkauhaw, kaunti o halos walang ihi, tuyong bibig, nahihilo kapag bumabangon, pagkatuyo ng balat (kapag inangat ang balat gamit ang dalawang daliri at ang pagkakatiklop ay hindi bumabalik sa dating anyo, ang tao ay labis na ang pagkawala ng tubig sa katawan). Kung mayron nang mga ganitong sintomas at sumusuka, kakailanganin na ng swero o labatiba. Humingi agad ng tulong na medikal. Ang labis na pagkawala ng tubig sa katawan ay delikado.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010708