Paano ko maiiwasan ang pananakit sa ibabang bahagi ng aking likod

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang pananakit sa ibabang bahagi ng iyong likod ay sanhi ng bigat ng lumalaking sanggol.

Ano ang dapat gawin upang maiwasan ito:

  • Humingi ng tulong sa isang tao na haplusin o masahihin ang iyong likod.
  • Humingi ng tulong sa iyong pamilya para sa ilang mabibigat na gawain.
  • Pag ingatan na laging nakatayo at nakaupo na tuwid ang likod.
  • Matulog na nakatagilid na may unan o nakabalumbong tela sa pagitan ng iyong mga tuhod.
  • Gawin ang ehersisyong 'angry cat' ng ilang minuto, 2 beses sa isang araw, at tuwing nananakit ang iyong likod. Magsimula sa kamay at tuhod habang naka lapat ang likod. Iangat ang ibabang bahagi ng likod. Ibalik sa pagkalapat ang likod. Ulitin.
Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010714