Paano ko maiiwasan ang problema sa balat

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Subukang gumalaw kahit man lamang bawat 2 oras. Kung ikaw ay laging nakahiga, sa lahat ng oras, magpatulong para mag-iba ng posisyon.

Humiga o umupo sa malambot na lugar upang mabawasan ang bigat na dumiriin sa mabutong bahagi ng katawan. Ang unan o banig na palalim sa palibot ng mga mabutong bahaging katawan ay makatutulong. O gumawa ng unan o banig mula sa supot na plastik na pinuno ng butil ng munggo o bigas. Ito ay kailangang palitan bawat buwan.

Suriin ang iyong buong katawan araw -raw. Gumamit ng salamin para makita ang iyong likod. Kung mapapansing may maitim o mapulang lugar o bahagi, iwasan na ang anumang diriin pa sa bahaging ito hanggang ang iyong balat ay bumalik sa normal.

Subukang kumain ng maraming prutas, gulay at mga pagkaing mayaman sa protina.

Sa buwan ng iyong regla, huwag gumamit ng tela o pasador sa loob ng iyong maselang bahagi para saluhin ang dugo, Madiriinan nito ang iyong mga buto sa loob ng katawan at magdudulot ng sugat sa iyong maselang bahagi.

Subukang maligo araw araw. Punasan ang iyong balat hanggang matuyo, ngunit huwag kiskisin ito. Iwasan ang losyon o mga langis, dahil ang mga ito ay nagpapalambot at nagpapahina ng balat. Huwag gumamit ng alkohol sa iyong balat.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011107