Paano ko maiiwasan ang sakit na malarya

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang malarya ay naililipat sa pamamagitan ng kagat ng lamok. Ang pagtulog sa loob ng kulambong pinahiran ng pamatay lamok ang pinakamabisang paraan upang maiwasang makagat ng lamok.

Ang lahat ng myembro ng isang pamayanan ay dapat maging ligtas sa kagat ng lamok, lalo na ang mga bata at mga buntis. Ang proteksyon ay kailangan paglubog ng araw at bago sumikat ang araw, kung kailan nangangagat ang lamok ng malaria.

Ang kulambong may gamot laban sa lamok ay tumatagal ng hanggang 3 taon at hindi nangangailangang lagyan muli ng gamot. Ang mga kulambong ito ay pinamamahagi ng mga malaria control programmes sa pamamagitan ng Health Centers o sa mga programang pangkalusugan. Ang mga kulambo ay kadalasang ipinamimigay nang libre, lalo na sa mga buntis at mga bata. Maaari rin itong bilhin sa mga pamilihang-bayan o sa mga social marketing programmes, . kadalasan sa mga lunsod. Kung sakaling gumagamit pa ng mga kulambong walang gamot laban sa lamok, maaring makipag-ugnayan sa mga nagsanay na health workers tungkol sa paglalagay ng gamot.

Kailangang gamitin ang kulambong may gamot laban sa lamok nang buong taon, kahit na sa panahon ng tag-tuyo.

Sa ibang bansa, merong mga programa kung saan sila ay nagbubomba sa mga dingding ng bahay para mapatay ang mga lamok na nakapahinga rito. Dapat makipagtulungan ang pamayanan para lahat ng bahay ay mabombahan.

Bilang karagdagan sa paggamit ng kulambong may gamot laban sa lamok, o kung walang kulambo o ginagamit ang mga ito, may ibang paraan na maaaring makatulong, ngunit ang mga ito ay hindi kasing bisa ng paggamit ng kulambo:

  • paglalagay screen sa mga pinto at bintana; ito ay ginagawa sa lunsod, nguni't hindi masyadong mabisa sa mga bahay sa probinsya.
  • paggamit ng katol; ito ay ginagamit upang maitaboy, ngunit hindi pumapatay ng lamok - wala silang pangmatagalang epekto
  • mag sout ng damit na bumabalot sa mga braso at binti (mahahbang manggas at mahabang pantalon o palda); ang mga ito ay maaaring makatulong sa pagbawas ng mga kagat ng lamok habang suot kung kailan aktibo ang mga lamok ---mula dapi; t-hapon hanggang madaling-araw.


Sources