Paano ko malilinis ang aking inumin

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Narito ang mga simple at murang pamamaraan para malinis ang inyong tubig:

Araw

Ang mga mikrobyo ay namamatay sa pagbilad sa araw. Para linisin ang tubig gamit ang sikat ng araw, punuin ng tubig ang malinis at malinaw na lalagyan, iwanan sa labas mula umaga hanggang hapon. Siguraduhing ilagay ang mga lalagyan kung saan maarawan sa buong maghapon. (Kung nangangailangan agad ng malinis na tubig, ang pagbilad ng tubig ng dalawang oras ay sapat na.

Para maiwasan ang pagkakaroon ng mikrobyo sa tubig, piliin ang pwesto na malayo sa mga bata, alikabok, at mga hayop. Kung gustong palamigin ang tubig bago gamitin, ipasok ang mga binilad na tubig sa loob ng bahay at hayaan doon magdamag. Ang tubig ay maaaring iimbak sa parehong lalagyan hanggang dalawang araw. Ang paglilinis ng tubig gamit sa pagbilad sa araw ay pinakamabisa sa mainit na panahon.

Katas ng Dayap Ang katas ng dayap ay minsang mabisa sa pagpatay ng kolera at iba pang mikrobyo. Lagyan ng dalawang kutsarang katas ng dayap sa isang litro ng tubig at iwanan ng kalahating oras.

Pagpapakulo Sa pagpapakulo ng tubig nang isang minuto ay nagiging ligtas ito sa mikrobyo. Hayaang kumulo nang isang minuto bago alisin sa kaldero at palamigin. Dahil ang pagpapakulo ng tubig ay gumagamit ng maraming gas o panggatong, gawin lang ito kung wala nang ibang paraan sa paglinis ng tubig.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010118