Paano ko mapaanatiling malamig ang pagkain

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Palamigang palayok. Ito ay dalawang palayok na palamigan na may isang maliit na palayok sa loob ng isang mas malaking palayok. Ang puwang sa pagitang ng dalawang palayok ay pinupuno ng tubig. Gumamit ng malaking palayok at takip na ay hindi pinakintab (ginamitan ng matigas, makinis at inihurnong takip) para ang tubig ay sumingaw sa palayok. Ang maliit na palayok ay kinakailangang pinakintab ang loob upang maging mas madali ang paglinis, at maiiwasan ang pagtulo ng tubig sa itinagong pagkain.

Palamigan sa Paminggalan

Itagilid ang isang kahon at ipatong ito sa ibabaw ng bricks o bato, para maiangat sa sahig. Lagyan ng isang lalagyang tubig sa ibabaw ng kahon at takpan ng sako o iba pang makapal na tela ang mangkok at ang paligid ng kahon. Takpan ang buong kahon. Ang tela ay hindi dapat sumayad sa sahig. Ilubog ang tela sa tubig para kumalat ang basa sa buong tela. Ilagay ang pagkain sa loob ng kahon. Habang sumisingaw ang tubig sa tela, palalamigin nito ang pagkain. Ang paraang ito ay mabisa lamang kung ang tela ay mananatiling basa sa lahat ng oras.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010125