Paano ko mapapanatili ang masayang seksuwal na relasyon sa aking katandaan

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Para sa ibang kababaihan, ang menopos ay nangangahulugang kalayaan sa seksuwal na pangangailan ng buhay may asawa. Ang ibang kababaihan naman ay nagiging mas interesado sa pakikipagtalik dahil sa hindi na nila aalalahanin ang hindi naka-planong pagbubuntis. Nguni't lahat ng babae ay patuloy na nangangailangan ng pagmamahal at pagsuyo. Walang dahilan na nakaayon sa edad na ang babae ay hindi na maaaring maging masaya sa sex habang siya ay nabubuhay.

Habang nagkaka-edad ang babae, ang ibang pagbabago sa kaniyang katawan ay makakaapekto sa kaniyang sekswal na relasyon:

  • Matatagalan siya bago makaramdam ng excitement habang nagtatalik (nagyayari rin ito sa mga lalaki).
  • Ang kaniyang ari ay mas tuyo, na magiging sanhi ng hindi masarap na sex, o mas madali siyang magkaka-impeksiyon sa ari o sa pag-ihi. Tataas din ang posibilidad niya na magka-impeksiyon ng HIV.

Ang maaaring magawa para maiwasan ang problema:

Huwag magmadali kapag nagtatalik para mabasa ng natural ang ari. Maaari ring gamitin ang laway, vegetable oil (corn oil, olive oil), o ibang pampadulas tulad ng K-Y jelly sa pagtatalik. Huwag gumamit ng petroleum gel o mga langis na may pabango para mabasa ang ari. Maaari itong magdulot ng iritasyon.

MAHALAGA: Huwag gagamit ng mga langis para mabasa kung gumagamit ng condoms. Napapahina ng langis ang condom at baka mapunit ito.

Kapag nahihirapan ang kapareha na mapatigas ang kaniyang ari, magtiyaga lamang. Makatutulong na siya ay haplosin.

Huwag patuyuin ang ari bago magtalik. Para maiwasan ang problema sa pag-ihi, umihi pagkatapos makipagtalik para lumabas ang mga mikrobyo.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010910