Paano ko mapigilan ang problema sa kalusugan sa pag-upo o pagtayo nang matagal

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Maglakad nang maigsi at mabilis sa oras ng pahinga. Subukan din maglakad sa loob ng kwarto o mag -inat tuwing isang oras.

Hangga't maaari, magsuot ng medyas o stockings na may suporta. Dapat nasa ibabaw ng tuhod.

Gawain ang mga exercise na nasa ibaba kapag nakakaramdam ng paninigas o sakit. Ulitin ng 2 o 3 beses, hababg humihinga nang mabagal at malalim:

  • Likot ang nang dahan-dahan.
  • Galawin ang balikat pataas at pababa, paikutin paharap at patalikod, at hatakin ang buto ng balikat patalikod.
  • Habang nakatayo na diretso ang likod, igalaw ang balakang paharap sa tabi. Dapat makaramdam ng kaluwagan sa taas at baba ng likod.

Kapag nakaupo sa trabaho:

  • Gumamit ng upuang may diretsong sandalan----na diretso ang ulo, leeg at balikat. Kung mas masarap ang pakiramdam, maglagay ng telang nakarolyo o maglagay ng mga unan sa likod para masuportahan ang ibaba ng likod. .
  • Kung kinakailangan, ayusin ang taas ng silya o mesa para makatrabaho ka na maayos ang posisyon. Maaaring umupo sa unan, o iangat ang mesa.
  • Huwag magpatong ng binti sa kabilang tuhod.
  • Iwasang magsuot ng masisikip na damit.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil030118