Paano ko mapipigilan ang pagbagsak ng sinapupunan prolapse

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Kapag ang babae ay nagbubuntis ng madalas, nagkaroon ng matagl na labor, o nagtulak ng maaga habang naglalabor, ang mga kalamnan at ligamento na humahawak sa matris ay maaaring maging mahina. Kapag ito ay nangyari, ang matris ay maaaring malaglag patungo sa ari. Ito ay tinatawag na prolapse o bumagsak na matris. Isang senyas ng prolapse ay pagtagas ng ihi. Sa mga matinding kaso, ang serviks ay maaaring makita mula sa bukana ng ari. Upang ito ay mapigilan, maglagay ng espasyo sa panganganak ng higit kumulang 2 taon. Habang naglalabor, umire lamang kapag ang serviks ay bukas na ng tuluyan at kapag may matinding pangangailangan ng pag-ire. Huwag na huwag hayaan ang ibang tao na itulak pababa ang iyong matris upang ilabas ang iyong sanggol ng mas mabilis.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010209