Paano ko matutunan pahalagahan ang aking sarili kung ako ay may kapansanan

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Kapag ang isang babae ay lumaki ng may suporta ng kaniyang pamilya, paaralan, at komunidad na mabuhay nang tama sa kaniyang abot makakaya, mataas ang magiging pagpapahalaga niya sa kaniyang sarili, may kapansanan man o wala. Nugni't kung siya ay lumaki na hindi nakarananas ng pagpapahalaga sa kaniyang sarili dahil sa kapansana, kakailanganin niyang pagsikapang matutunan ang pagpapahalaga sa kaniyang sarili. Ang prosesong ito ay hindi madali, nguni't maaaring magawa, sa unti-unting paraan.

Ang unang hakbang ay ang makihalubilo sa ibang tao. Habang nakikilala ka ng ibang babae, maiintindihan nila na ang mga kababaihan, may kapansanan man o wala, ay walang masyadong kaibahan. Tuwing lumalabas ka para makihalubilo, dadali ito, pati na ang pakikipag-usap sa kanila.

Ang pangalawang hakbang ay ang pagsimula o pagsali sa isang grupo ng kababaihan. Ang pakikipag-usap sa iba ay makatutulong para matutunan mo ang iyong kalakasan at kahinaan. Ang grupo ay makapagbibigay ng ligtas na lugar para masabi ang nais---kung lahat kayo ay magkakasundo na hindi magsasalita sa labas ng grupo ng anumang napag-usapan sa loob ng inyong grupo.

Maaaring sumali o magsimula ng isang grupo para sa mga kababaihang may kapansanan, at ipahiwatig ang iyong kaisipan o karanasan sa pagkakaroon ng kapansanan. Maaaring suportahan ang bawat isa sa lahat ng panahon.

Maaaring tulungan ang bawat isa para matutunan kung paano rin maging malaya. Ang mga kababaihang may kapansanan sa buong mundo, ay nagtatrabaho bilang mga duktor, nurses, shopkeepers, manunulat, guro, magsasaka, at community organizers. Sa tulong ng bawat isa, maaaring paghandaan ang kinabukasan, na dapat ginagawa ng lahat ng kababaihan.

MAHALAGANG TANDAAN: Isipin ang kayang gawin, huwag ang hindi kayang gawin.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011105