Paano ko pangangalagaan ang aking mga mata

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang mga langaw ay nagdadala ng mikrobyo. Ang maruming mukha ay nakakaakit ng langaw, na palipat-lipat na magdadala ng mikrobyo sa iba't-ibang tao. Ang araw-araw na paghilamos at laging paghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig ay makatutulong sa pag-iwas sa impeksiyon sa mata. Sa ibang bahagi ng mundo, ang impeksiyon sa mata ay nagiging trachoma, na maaaring ikabulag. Kapag ang mga mata ay namaga o naimpeksiyon, maaaring lumabo o tuluyang mawala ang paningin. Ang mga mata ay dapat malinis at malusog.

Kung ang mga mata ay malusog, ito ay basa at makintab, ang puting bahagi nito ay malinaw, at ang paningin ay matalas. Kung ang mata ay tuyong-tuyo, mapulang-mapula at namamaga, kung nagmumuta, o nahihirapang makakita, kailangang magpatingin sa isang health worker na sanay sa ganitong sakit, sa lalong madaling panahon.


Sources