Paano ko pangangalagaan ang aking ngipin

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Mahalagang pangalagaan ang ngipin dahil:

  • kailangan ng malusog na ngipin upang manguyang mabuti ang pagkain at matunaw nang mabuti.
  • ang pagsakit ng ngipin dulot ng mga butas nito na sanhi ng pagkabulok, at pamamaga ng mga gilagid, ay maaaring maiwasan sa
pamamagitan nang mabuting pangangalaga nito. 
  • ang bulok na ngipin, sanhi ng kakulangan sa tamang pangangalaga, ay maaaring magdulot ng malubhang impeksiyon na
maaring makaapekto sa ibang bahagi ng katawan. 
  • ang mga taong hindi nag-aalaga ng kanilang mga ngipin ay malamang mabubungi sa kanilang pagtanda.

Ang mga ngipin ay kinakailangang linisin nang dahan-dahan dalawang beses sa isang araw. Sa ganitong paraan, matatanggal ang mga mikrobyo na dahilan ng pagkabulok at pagkawala ng ngipin. Linisin ang ibabaw ng ngipin sa harap at sa likod, at pagkatapos ang pagitan ng mga ngipin at ilalim ng mga gilagid. Gumamit ng malambot na sipilyo, patpat para sa ngipin, o kaya'y telang ipinalibot sa daliri. Ang toothpaste ay mabuti, nguni't hindi mahalaga. Maaring gumamit ng asin, baking soda, o kahit malinis na tubig.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010115