Paano ko pangangalagaan ang aking sarili kapag handa na akong makipagtalik o makipag-sex

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Kung ikaw ay handa na sa pakikipagtalik, kailangang pangalagaan mo ang iyong sarili sa pagbubuntis at sakit. Maraming paraan para mas maging ligtas ang pakikipagtalik o pakikipag-sex. Ibig sabihin, kailangang mag-plano bago makipagtalik.

Kausapin ang boyfriend bago makipag-sex. Ipaalam sa kaniya kung gaano kahalaga ang mapangalagaan mo ang iyong sarili. Kung nahihirapan kang pag-usapan ito, magkunwaring ang sinasabi mo ay tungkol sa ibang tao. Kung talagang may malasakit siya sa iyo, gugustuhin niyang mapangalagaan ka. Kapag nagpilit siya, ang sarili lang niya ang kaniyang iniintindi.

Maraming pamayanan ang nagsanay sa pagbibigay ng condoms at ibang paraan ng family planning. Kausapin sila o magtanong sa isang health worker kung saan makakakuha ng tamang protection. Kung ikaw ay nahihiya, humanap ng isang pinagkakatiwalaang tutulong sa iyo. Mayroong mga family planning clinics na may special services para sa mga teenagers, at nakapag sanay ng mga teenagers para makapagbigay impormasyon sa kanilang kapwa.

Dahil sa hindi masasabi sa tingin lamang kung ang lalaki ay may nakahahawang sakit o HIV, magiging ligtas ang sex kung gagamit ng condom tuwing gagawin ito. Kung may lumalabas sa ari ng lalaki, o may sugat saan mang parte nito, mayroon siyang impeksiyon at siguradong maibibigay niya ito sa iyo!

Kung ikaw ay nakipag-sex at napansing may lumalabas din sa iyo, sugat sa iyong maselang bahagi, o sakit sa iyong puson, baka mayroon ka ng STI.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020813