Paano kukmbinsihin ang katalik na gumamit ng kondom

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang paggamit ng kondom ay isa sa pinakamdaling paraan para makaiwas sa impeksiyon at hindi planadong pagbubuntis. Ngunit marami ang ayaw gumamit nito sa umpisaa. Ito ang ilan sa mga tugon sa mga karaniwang reklamo tungko sa kondom:

"Nasubukan ko na dati pero hindi ko nagustuhan. " Minsan kailangan lang masanay sa paggamit nito. Subukang pumayag na gagamitin ito ng ilang linggo. Karaniwan, ang magkapareha ay maiisip na sila rin ay masisiyahan kahit may gamit na condom.

"Wala akong nararamdaman kung merong kondom. " Gumamit ng pampadulas na water-based. Nakatutulong ito para masiyahan sa pakikipagtalik. Lagyan ng isang patak ng pampadulas sa dulo ng kondom bago isuot. Totoong may kaunting pagkakaiba ang pakikipagtalik kung may gamit na kondom. Ngunit mas maraming nagsasabi na mas mabuting makipagtalik na may nakasuot na kondom kaysa wala. Ang kondom ay nakapagpapatagal ng pagtigas.

"Hindi pa kami nakagamit ng kondom noon. Bakit namin dapat sisimulan ngayon?" Ipaliwanag na mas nalalaman mo ang panganib sa pagtatalik ng walang proteksiyon, at mukhang makabubuti na pangalagaan nila ang kanilang sarili. Bilang pagdadahilan, maaaring sabihing kailan nilang magpalit ng kanilang paraan ng family planning.

"Ayokong tumigil sa aking ginagawa para lang magsuot ng kondom. " Maglagay ng kondom kung saan madaling maabot or makuha kung saan kayo madalas magtalik para hindi na kakailanganin pang tumayo. Maaari nang isuot ang kondom pag matigas na ang ari ng lalaki, at ipagpatuloy ang paghaplos sa isa't-isa. Kung mayroong mabibili o kayang bilhin, subukang gumamit ng condom na pambabae para mailagay na bago pa magsimula magtalik.

"Hindi ko kayang bumili ng kondom, " o walang mabibilhan. Maraming health centers at mga organisasyon ng AIDS prevention ang namimigay ng libre or nagtitinda ng kondom sa murang halaga. Mas makabubuti na laging gumamit ng bagong kondom, nguni't ang paggamit ng parehong kondom ay mas mabuti kaysa walang gamit. Kung kinakailangang gamitin muli ang kondom, hugasan itong mabuti sa sabon at tubig, patuyuin at itago sa malamig at madilim na lugar. Gumamit ng ibang paraan para mabawasan ang panganib. Halimbawa, mas mainam para sa babae at lalaki kung ilalabas na niya ang ari bago siya labasan. Kung talagang walang makuhang kondom, takpan na lang ng manipis at nababanat na plastik ang ari ng lalaki.

"Hindi ito kapareho ng totoong pakiramdam. "

Isaisip na ang paggamit ng kondom ay sexy. Umisip ng iba't-ibang paraan ng paglalagay ng kondom, at gawin itong parte ng inyong paglalaro o paglalambingan bago magtalik. Kung maaasahan mo ang pagpipigil ng iyong katalik at makapagpapasuri kayo para sa HIV at iba pang STI, maaaring iplano ang pagtigil ng paggamit ng kondom. Dapat kayong dalawa ay magpasur, i at ipagpatuloy ang paggamit ng kondom hanggang 6 na buwan bago muling magpasuri. Samantala, pag-usapan ninyo ang kahalagahan ng kaligtasan, katapatan, ang pagkakaroon ng isang katalik lamang, at ang laging paggamit ng kondom kung makipagtalik man sa iba. 


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010512