Paano magiging epektibo ang 'Barrier Method' sa pag pa-plano ng pamilya

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang "Barrier Method" ay nakapipigil ng pagbubuntis sa pamamagitan ng pagharang sa semilyang makarating sa "egg" ng babae. Hindi nito binabago ang kalagayan ng katawan ng lalaki o babae at halos wala itong dulot na side effects. Ang Barrier Method ay ligtas sa mga babaeng nagpapasusol. Ang pamamaraang ito ay proteksyon din laban sa mga STIs, pati HIV. Kung gusto na magbutnis ng babae, kailangan lang niyang itigil ang paggamit ng Barrier Method.

Ang pangkaraniwang "Barrier Method" ay kondom, kondom para sa babae, diaphragm, at spermicides.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020409