Paano maiiwasan ang STIs

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang pag-iwas sa STIs ay makatutulong sa pag-iwas mo at ng iyong kapareha sa malubhang sakit at pagkabaog:

Ugaliing gumamit ng proteksiyon kung magtatalik.

Gumamit ng kondom makikipagtalik. Ang kondom ng babae at lalaki ay:

  • mapapangalagaan ka sa STIs, pati HIV.
  • mapapangalagaan ang kalusugan ng iyong kapareha.
  • makatutulong sa pag-iwas sa hindi inaasahang pagbubuntis. Gumamit ng isa sa mga kondom na ito kapag kayo ay magtatalik - nguni't hindi sabay na gagamitin.

Kung ang iyong kapareha ay hindi gagamit ng kondom, gumamit ng diaphragm para mapangalagaan laban sa impeksiyon na sanhi ng STIs, lalo na sa gonorrhea at chlamydia.

Maghugas pagkatapos makipagtalik.

Umihi pagkatapos makipagtalik.

Huwag mag-dutsa, o gumamit ng mga dahon o pulbos para tuyuin ang ari. Ang pag dutsa (at paghuhugas ng ari gamit ang sabon) ay tinatanggal ang natural na pagkabasa ng ari ng babae na kailangan para sa kalusugan nito. Kapag ang ari ng babae ay tuyot, ito ay maiirita sa pagtatalik, na malamang maging sanhi ng pagkahawa ng HIV at ibang uri ng impeksiyon ng STIs.

Ikaw at ang iyong kapareha ay maaaring mag-oral sex o ibang uri ng sekswal na paraan sa halip na pagtatalik.

Huwag makikipagtalik kung ikaw o ang iyong kapareha ay kinakitaan ng palatandaan ng STIs.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010509