Paano maiiwasan ang pagtitibi matigas at mahirap na pagdumi

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang pagbubuntis ay nagdudulot ng pagbagal ng galaw ng mga bituka. Ito ay nagdudulot ng pagtigas ng dumi kaya nagiging mahirap ilabas.

Ano ang dapat gawin para maiwasan ito:

  • Uminom ng hindi bababa sa walong basong likido araw-araw.
  • Regular na mag-ehersisyo.
  • Kung ikaw ay umiinom ng iron tablets, subuking uminom ng isa lamang bawat araw, kasabay ng katas ng prutas or gulay. O di kaya'y lumiban sa pag-inom ng tableta nang ilang araw.
  • Kumain ng maraming prutas, gulay, at mga pagkaing may hibla o fiber tulad ng mga buong butil o whole grain at kamoteng kahoy.
  • Huwag uminom ng pampurga. Panandalian lamang itong lunas sa problema at kakailanganin mong uminom nang mas marami sa susunod.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010711