Paano maiiwasan ang sakit sa pagiging malinis sa bahay

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Dahil sa ang mga miyembro ng pamilya ay laging magkakasama, napakadaling kumalat ng mikrobyo at makahawa ng sakit sa buong pamilya.

Ang pagkakasakit ng pamilya ay maiiwasan kung sila ay;

  • maghuhugas ng mga kaserola at iba pang mga kasangkapan sa pagluluto at pagkain, gamit ang sabon o malinis na abo, at babanlawan ng malinis na tubig, Kung maaari, ibilad sa araw para matuyo. (Ang araw ay pumapatay sa mga mikrobyo na nagdudulot ng sakit).
  • madalas maglilinis ng bahay. Walisan at linisin ang sahig, dingding at ang ilalim ng mga upuan. Takpan ang mga butas ng sahig o dingding na maaring pagtaguan ng mgs ipis, surot at mga alakdan.

magbibilad ng mga kumot at kutson sa araw upang mamatay ang mga insekto.

hindi dudura sa sahig. Takpan ng kamay o panyo ang iyong bibig kung uubo, o babahin. Hanagga't maaari ay maghugas ng kamay pagkatapos.

magtatapon ng dumi ng katawan sa maayos na paraan. Turuan ang mga bata na gumamit ng banyo, o magbaon ng kanilang dum, o dumumi sa malayo sa bahay, o sa kuhaan ng inumin. Kung ang ang mga bata o hayop ay dumumi sa malapit sa bahay, linisin ito agad.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010112