Paano maiiwasan ang sakit sa pagiging malinis sa sarili

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Pinakamabuting maghugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig araw-araw, hangga't maaari.

Maghugas ng kamay bago kumain o bago maghanda ng pagkain, pagkagaling sa palikuran, at bago at pagkatapos mag-alaga ng bata o sinumang maysakit.

Hugasan araw-araw ang maselang bahagi ng inyong katawan, gamit ang isang banayd na sabon at tubig. Huwag gumamit ng dutsa. Ang ari ng babae ay lumilinis ng kusa sa pamamagitan ng paglalabas nito ng kaunting pagbabasa. Ang pag-dutsa ay nag-aalis ng proteksiyong ito, at lalong mas nagiging madaling kapitan ng impeksiyon.

Umihi pagkatapos makipagtalik. Ito ay makatutulong sa pag- iwas sa impeksyon sa sistema ng pag-ihi (nguni't hindi ito makapipigil ng pagbubuntis).

Magpunas nang mabuti pagkatapos dumumi. Laging magpunas mula sa harapan papunta sa likod, Ang pagpunas papunta sa harap ay makapagpalaganap ng mikrobyo at mga uod papunta sa butas ng ihian at ari ng babae.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010113