Paano makabubuo ng tiwala sa mga tao o sa mga miyrembro ng isang grupo

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

  • Subukang maging bukas sa pagdinig sa lahat ng mga sasabihin ng isang tao ng walang panghuhusga.
  • Subukang intindihin ang nararamdaman ng ibang tao. Kung nagkaroon ng parehong karanasan, alalahanin kung ano ang iyong naramdaman. Ngunit iwasang tingnan ang karanasang ng ibang tao na parang karanasan mo. Kung hindi mo siya naiintindihan, huwag magkunwari. Walang dalawang tao ang mayroong eksaktong magkapareho ang karanasan sa buhay. Palaging mayroon pang mas iintindihin sa ibang tao.
  • Huwag sabihan ang tao ng kaniyang dapat gawin. Maari mo siyang tulungang intindihin ang kabigatang ng kanyang mga pinagdadaanan sa pamilya, pamayanan, at responsibilidad sa trabaho, ngunit siya dapat ang gumawa ng kanyang mga desisyon.
  • Huwag na huwag iisipin na ang isang babae ay wala ng pag-asang matulungan pa.
  • Igalang ang pribadong buhay ng isang babae. Huwag ipagsasabi ang mga ipinagkatiwala niya sa iyo, maliban na lamang kung ito ay kinakailangan para sa kaligtasan ng kanyang buhay. Palaging ipaalam sa kanya kung may plano kang makipag-usap sa ibang tao para sa kanyang kaligtasan.

Mas madaling lumapit isang grupong buo na para sa suporta, kaysa bumuo ng panibango. Mag-ingat lamang sa pagpili ng mga pagkakatiwalaan. Bumuo lamang ng mga relasyon sa mga taong may paggalang sa iyong nararamdaman at sa iyong pribadong buhay.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011514