Paano makikipagtalik nang ligtas

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Pangalagaan ang sarili laban sa HIV at ibang nakahahawang sakit na dala ng STI: gumamit ng latex condom bago pa dumikit ang ari ng iyong katalik sa iyong ari.

Maraming mangyari sa pakikipagtalik, nguni't may mga paraan para ito ay maging ligtas. Sinasabing "ligtas" ang sex bilang paalala sa mga tao na ang pagbawas ng mga maaaring mangyaring masama ay hindi pareho ng walang mangyayaring masama. Ang pakikpagtalik ng may proteksiyon ay maililigtas ang iyong buhay.

Kailangang mag-desisyon ang babae sa pagsalang sa maaring mangyari sa pakikipagtalik, at ano ang dapat gawin para maging ligtas ang pakikipagtalik.

Pinakaligtas:

Huwag makipagtalik. Kung hindi ka makikipagtalik, hindi ka masasalang sa STIs. Para sa ibang babae, ito ang pinakamabuting gawin, lalo na kung sila ay bata pa. Subali't sa ibang babae, hindi ito maaari o magugustuhan.

Makipagtalik sa isang kapareha lamang, na siguradong tapat sa iyo, at alam mong hindi nagka-impeksiyon mula sa dating ka-relasyon. Ito ay malalaman lamang sa pagpapasuri ng STIs.

Gamitin ang sariling kamay sa paghawak sa ari (mutual mastrubation)

Gumamit ng condom sa oral sex. Kapag may pangharang na latex o plastic ay makaiiwas sa impeksiyon sa herpes at gonorrhea sa lalamunan. Makatutulong din itong makaiwas na makakuha ng HIV sa mga maliliit na hiwa sa bibig.

Ligtas:

Laging gumamit ng latex condoms ---- para sa lalaki o babae --- kung papasok sa ari o sa puwit.

Mag-sex sa paraang maiiwas maipasok sa iyong ari o puwit ang mga lumalabas sa ari ng lalaki. Ang oral sex ay mas malamang na hindi makapagkakalat ng HIV. Kung ang lumabas sa ari ng lalaki ay napunta sa iyong bibig, idura ito (o lulunin) kaagad.

Mga ibang paraan para makaiwas:

  • Sabihin sa lalaking bunutin ang kaniyang ari para hindi siya labasan sa iyong loob. Mahahawa ka kung meron siyang HIV, at maaari ka ring mabuntis. Nguni't ito ay hindi mangyayari kung kaunti o walang maipapasok sa iyong loob.
  • Mas hihina ang panganib kung gagamit ng diaphragm.
  • Iwasan ang pakikipagtalik na tuyo ang ari. Madaling mapunit ang ari o puwit kapag tuyo, at tumataas ang posibilidad ng impeksiyon. Gumamit ng laway, spermicide o pampabasa para dumulas ang ari. Huwag gagamit ng langis, losyon o petroleum jelly kung gumagamit ng condom---maaaring mapunit ang condom.
  • Magpagamot kung may STIs. Madaling magka-HIV kung may STIs.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010510