Paano mapipigil ang paglaganap ng mikrobyo sa pamamagitan ng kalinisan

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang kalinisan sa komunidad (sanitasyon), kalinisan sa bahay, at personal na kalinisan ay mahalaga sa pagpigil sa mga sakit sa pamamagitan ng pagpigil sa paglaganap ng mga mikrobyo.

Halimbawa:

  • Ang isang taong may parasito ay nagkaroon ng diarrhea o pagtatae at nagdumi.
  • Kinain ng baboy ang kanyang dumi.
  • Isa sa mga anak ng lalaki ay nakipaglaro sa baboy at nalagyan ng dumi.
  • Sa kalaunan, ang bata ay iiyak, kakargahin ng kanyang ina, patatahanin, at lilinisan ang mga daliri ng anak gamit ang kanyang damit. Ang resulta, nalagyan din ng dumi ang kamay ng ina.
  • Ang ina na may napakaraming gawain ay maghahanda ng pagkain para sa pamilya nang hindi naghuhugas ng kamay. Ginamit niya ang kanyang damit upang di mapaso ang kanyang kamay, na nakalimutan niyang madumi pala ito.
  • Kinain ng pamilya ang pagkaing inihanda ng ina. At di nagtagal, lahat sila ay nagkaroon ng diarrhea.

Kung ang pamilya sana ay gumamit ng mga sumusunod na pag-iingat, ang pagkalat ng sakit ay naiwasan:

  • Kung gumamit ng kasilyas ang taong maysakit,
  • kung ang baboy ay hindi nakawala at gumagala kahit saan,
  • kung ang ina ay di gumamit ng kanyang suot na gamit upang linisan ang kamay ng anak,
  • kung ang ina ay naghugas ng maigi ng kamay bago naghanda ng pagkain.
Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil010105