Paano nakakapinsala sa aking kaisipan ang mga pagbabago sa aking buhay at pamayanan

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Sa maraming bahagi ng mundo, ang mga pamayanan ay napipilitang magkaroon ng mabilis na pagbabago --- dahil sa pagbabago sa ekonomiya o dahil sa pulitika. , Karamahin sa mga pagbabagong ito ay nangangailangang baguhin ng mga pamilya at mga pamayanan ang kanilang paraan ng pamumuhay. Narito ang dalawang kuwento:

"Ako si Edhina. Nung magsimula ang digmaan, may mga sundalong dumating at pinilit ang mga kalalakihan sa aming nayon na lumaban sa digmaan. Kami ay namundok ngunit mahirap ang pagkain. Ngayon, namumuhay kami bilang mga refugees sa isang kampo na malapit sa border. Mayroon naman kaming nakakain, ngunit marami ang may sakit. Ang kampo ay puno ng mga taong hindi kilala. Araw-araw iniisip ko kung kailangan kami makauuwi.

"Ako si Jurema. Taon-taon, uni-unting nababawasan ang ani ng aming lupain. Kinakailangan naming mangutang para makabili ng mga binhi at sinubukan pa naming bumili ng abono, subali't di pa rin kami nakaani nang sapat para makabayad sa bangko. Sa bandang huli, napilitan kaming lisanin ang aming lupain. Ngayon, kami ay nakatira sa isang kubo sa labas ng lungsod. Tuwing umaga sa aking pagkagising, hinahanap-hanap ko ang huni ng mga ibon na karaniwang gumigising sa akin. Ngunit naalala ko nga pala na walang mga ibon dito. Ang meron lang ay isa na namang maghapon na paglilinis ng sahig ng ibang tao."

Sa tuwing ang mga pamilya o pamayanan ay nagkakawatak-watak, o kung ang buhay ay masyadong nagbago sa paraang hindi na magagawa ang mga kinagisnang paraan, ang mga tao ay maaaring magkaroon ng problema sa kaisipian.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011505