Paano nakasasama ang stress sa kaisipan

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang mga pang araw-araw na gawain o pangyayari ay karaniwang nagdudulot ng pabigat sa pangangatawan at pag-iisip ng isang babae. Ang stress ay maaaring mag mula sa pangangatawang problema, tulad ng sakit or sobrang pagod sa trabaho. Maaari din itong manggaling sa mga nararamdaman dahil sa hindi pagkakaintindihan sa pamilya o kung sya ay sinisisi sa mga problemang wala syang kinalaman. Kahit ang mga masasaayang pangyayari - tulad ng panganganak o pagkakaroon ng trabaho - ay maaaring magdulot ng stress dahil ito ay mga nagpapababago sa buhay ng isang babae.

Karamihan sa mga kababaihan ay mayroong iba't-ibang stress na nagiging pabigat sa kanila:

  • pag-aalaga ng mga anak
  • pag - askikaso sa asawa at pagtugon sa kaniyang pangangailangan
  • pag-igib ng tubig o panggatong
  • paglilinis
  • pag-aalaga sa may sakit
  • kakulangan sa pera
  • pagsasaka o paghahanap-buhay
  • kakulangan sa pagkain

Karaniwang hindi napapansin ang stress sa araw-araw dahil ito ay bahagi na ng buhay. Subali't ang lahat ng ito ay nakauubos ng lakas ng isang babae.

Kung ang isang babae ay maraming stress araw-araw at sa matagal na panahon, siya ay mapapagod din at maaaring hindi na niya kayanin. Ang problemang ito ay maaring lumala kung sanay siyang unahin ang pangangailangan ng iba at pabyaan ang kaniyang sariling pangangailangan. Dahil sa kaunti ang panahon makapagpahinga o makagawa ng mga bagay na ikababawas ng stress, maaaring balewalain niya ang mga sintomas ng sakit o pagod. At bilang babae, halos wala siyang magagawa para mabago ang kaniyang sitwasyon.

Kadalasang naipararamdam sa babae ang kaniyang g kahinaan o ang kaniyang sakit. Ngunit ang totoong problema ay dahil sa hindi patas o tama sa buhay. Para mas mailigtas ang katinuan, ang babae ay kailangang mas may kontol at kapangyarihan sa kanilang mga buhay.


Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011503