Papaano makatutulong sa akin ang pakikihalubilo sa ibang mga kababaihan

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang pakikihalubilo sa ibang mga kababaihan ay makakatulong sa iyong:

  • makakuha ng suporta: Ang mga problema sa pangkaisipan ay madalas na nakakaubos ng lakas at nakapanghihina ng loob ng babae. Ang pakikihalubilo ay nakakapagbigay ng lakas, na makatutulong sa kanyang kayanin ang mga problema sa araw-araw.
  • kilalanin ang mga damdamin: Minsan ang mga kababaihan ay nagtatago ng kanilang mga damdamin (o kaya ay di nila alam na mayroon sila nito) dahil iniisip nila na ang mga damdamin ay masama, mapanganib o nakakahiya. Kapag narinig ang ibang magsalita tungkol sa kanilang mga damdamin, matukatulong sa babae na mapagtuunan ang kanyang sariling damdamin.
  • makontrol ang pabigla-biglang mga reaksyon: Ang mga miyembro ng grupo ay makakatulong sa pag-iisip nang mabuti sa problema, para hindi siya kikilos nang pabigla-bigla.
  • intindihin ang mga dahilan: Sa sama-samang pakikipag-usap, maiisip ng mga kababaihan na marami sa kanila ang magkakapareho ang problema. Ito ay nakakatulong upang makilala ang mga ugat ng problema.
  • magbigay ng mga solusyon: Ang mga solusyon na napagkasunduan sa isang grupo ang mas madalas na tinatanggap at ginagawa, kaysa iyong mga naisip mag-isa ng babae.
  • makabuo ng sama-samang kapangyarihan: Ang mga kababaihan ay mas makapangyarihan kung magsasama-sama, kaysa ang babae ay mag-isa lamang.
Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil011515