Ako ba ay hindi kasing halaga ng isang lalaki

From Audiopedia - Accessible Learning for All
Jump to: navigation, search

Ang pagtingin ng isang babae sa kanyang sarili ay nabubuo habang siya ay lumalaki. Mahalagang maging maganda ang pakiramdam ng babae sa kaniyang sarili para maging maganda ang kaniyang kabuuan, at makatulong na mapabuti ang kaniyang pamayanan. Matututunan niya lahat ito kapag ang kaniyang pamilya at pamayanan ay pinapahalagahan siya.

Sa maraming lugar, ang mga kabataang babae ay pinapaniwalang sila ay hindi kasing halaga ng mga lalaki. Tinuturuan silang ikahiya ang kanila katawan at ang pagiging babae, at natututunan nilang tanggapin ang mas mababang edukasyon, mas kaunting pagkain, mas maraming abuso at mas maraming trabaho kaysa kanilang mga kapatid na lalaki. Ito ay hindi lamang direktang nakakasama sa kanilang kalusugan, kundi nakasasama sa kanilang pagtingin sa kanilang sarili at nakababawas sa kanilang kakayahan upang gumawa ng mga tamang desisyon tungo sa mas malusog na buhay sa hinaharap. Kapag ang mga batang babae ay ganito pinalalaki, makikita na hindi sila pinahahalgahan nang tulad ng mga batang lalaki.

Ngunit kung ang pamayanan ng isang batang babae ay pinapahalagahan ang bawat tao--kahit lalaki o babae--siya ay lalaking may paniniwala na kaya niyang mapaunland ang buhay para sa kanyang sarili, at para sa kanyang pamilya at mga kapitbahay.

Ang paraan ng pagtrato ng isang pamayanan sa mga kababaihan ay may epekto rin sa pagtrato ng mga pamilya sa kanilang mga anak na babae. Halimbawa, kung ang isang pamayanan ay naniniwala na ang mga babae ay dapat matuto ng mga kasanayan, ang isang pamilyang nakatira roon ay mas malamang na gugustuhing pag-aralin ang kanilang anak na babae hangga't kaya niya. Ngunit sa isang pamayanan kung saan ang mga babae ay hindi pinapayagang sumali sa mga pampublikong pagtitipon, ang mga pamilya ay mas hindi maniniwala na kailangang pag-aralin ang kanilang mga anak na babae.

Sources
  • Burns, A. A., Niemann, S., Lovich, R., Maxwell, J., & Shapiro, K. (2014). Where women have no doctor: A health guide for women. Hesperian Foundation.
  • Audiopedia ID: fil020804